CHAPTER 1 Nakakalito talaga ang buhay noh? Di mo malaman kung saan ka nga ba dinadala ng tadhana mo o may tadhana ba talaga na nadidikta sayo. Simula palang, gulo ka na? Naalala mo pa ba yong unang mga tanong mo sa mga magulang mo? Litong lito ka, kasi di mo alam gagawin mo. Halimbawa ang mga tanong na: Ano pangalan ko?, Ano address natin, Tay? Dagdag mo pa ang mga tanong mong: Nay, pano po ba tumaeng mag-isa? Dahil sa mahal na mahal ka ng magulang mo ay tiniis nilang samahan ka sa banyo’t turuan ka kung paano tumaeng mag-isa. Ano pa mang sama ng amoy ng nilabas mong sama ng loob. Sabay request ka pa kay Nanay, “Nay, di rin ako marunong maghugas ng puwet, pano po ba maghugas ng puwet?.” At dahil mahal ka nga talaga ng Nanay mo, buong puso nyang inaalis ang sama ng loob mo sa puwet. Iba talaga magmahal ang mga magulang. Tsk.. Tsk.. Tsk..
Ako, naalala ko pa mga unang tanong ko. Tinanong ko sa Mama ko kung babae ba ako o lalaki? Kasi ang akala ko talaga noon, isa lang ang kasarian ng tao sa mundo. Kung anung kasarian yon eh hindi ko rin alam.
May isa kasi akong kaklase na nagtanong sa akin dati. Mga grade two ata ako non. Filipino subject namin. Tinanong niya sa akin kung ano daw nilalagay dun sa sulatang papel namin, dun sa may nakalagay na “kasarian”. E ako naman, pasimple din. Siyempre kunwari alam ko. Sabi ko sa kanya, “Sinabi na sa akin yan ng mga Ate ko eh. Alam ko yan. Yan ata yong gamit na meron ka”. E sa tuso din ako nun, may mga root word pa akong nalalaman. Dagdag ko pa sa kanya, “ Kasi ganito yan, galing sa root word na ARI yan. Ibig sabihin, bagay na ikaw ang nagmamay-ari”. Dahil naman sa masyadong nakumbinsi ang kaklase ko dahil sa taglay kong malakas na convincing power dinagdagan pa ng kunting bola, eh paniwalang paniwala naman siya. Siya pa ang unang nagsubmit ng papel. Dyahe nga! Wala nga akong sinulat sa blangko, sa Kasarian, dahil ako mismo, di ko sure… Malay ko ba na yong “ARI” pala na nasa kasarian ay iba pala ang ibig pakahulugan. Tandaan nyo grade two palang ako non. Nalaman ko nalang ang ibig sabihin non, grade six na ako.
Speaking of kasarian, abay! akalain mo na lima na pala ang kasarian sa mundo ngayon. Sabi ng Mama ko, dalawa lang, babae at lalaki, bat iba ata nakikita ko? Mayroon pang bakla, tomboy at bisexual. Habang naglalakad ako sa kalye, pagsakay ko sa bus, pagpasok ko sa school, naglilipana sila. Para bang bacteria na nagmumultiply kada segundo. Naalala ko tuloy yong forwarded message ng barkada ko sa akin nung nakaraang araw. Tanong niya, kung ang mga bakla daw ay di nanganganak, bat daw sila dumadami? Siya nga naman. Bakit nga ba sila padami ng padami? Nakakalito talaga ang mundo…
Alam nyo, madami na akong nakilalang mga bakla. Iba’t ibang klase din sila. Mayroong bakla na disente. Yon bang tipong kahit sobrang landi na nila ay di pa rin sila makakapayag na magsuot ng mga revealing na damit o kahit man lang damit na pambabae. Mas komportable sila sa panlalaking suot.
May bakla namang tipong gusto parating pagnasahan ng mga lalaki. Yon bang pagdumaan sa kalye e gusto atang ma-rape. Ito yong mga baklang ika nga e pinangangalandakan ang kanilang pagkababae. Kung magsuot ng palda eh para bang micro micro micro mini skirt na masisilip na kung anu man ang masisilip. Tipong pag dumuko ka ng kundi e labas na kaluluwa mo. Nagpanty ka nalang sana. Sila yong mga baklang may mga kolorete sa mukha, at kung saan saang sulok ng katawan nila. Ang kilay e akala mo kasing nipis na ng sinulid sa kaaahit. Sila din yong mga nag-aaksaya ng pera in the name of beauty. Pagnakatalikod nga o kahit side view lang, aakalain mong babae talaga. Kaya nga lang, ang boses di talaga mapipeke. Kahit pa palagyan yan ng fake boobs e wa epek pa rin. Dagdagan pa ng bakat na adam’s apple sa leeg. Nabuking nang todo!
At ito ang matindi sa lahat ng kabaklaan, may mga bakla na ayaw pang lumantad. Yon bang kahit amoy na amoy mo na at halatang halata na e deny to death pa rin. Yon bang tipong hihintayin pa na makapasok sila sa Bahay ni Kuya, sa Pinoy Big Brother para lang sabihin ang mga katagang “ I’m gay, pero hindi ako masamang tao”. Gusto pa atang maging ala Rustom Padilla.
May kaibigan ako dati, sabi niya lalaki daw siya. Habang tumatagal samahan namin sa school ay nahahalata namin na medyo gumigewang siya pag- naglalakad. Tinanong ko nga siya one time, sabi ko “friend, Bakla ka ba?”. Biruin mo, sabi niya, Justine, bi sexual ako, I like men at the same time women. Naguluhan ako bigla. Teka nga muna, di ba sabi niya dati lalaki siya. Nakakalito naman. At ito pa ang matindi dyan, mga sisters, pagdating namin sa second year sa kolehiyo ay bumigay na ang lola mo. Take note, my boyfriend. Natagpuan niya sa DOTA. Ang tindi! Nalito ako dun huh?
Tinuturing daw na kasalanan ang maging katulad nila. Ayon nga sa bibliya, dalawa lang na klase ng tao ang nilikha ng Diyos. Actually, Wala namang masama sa pagiging bakla. Kung ako tatanungin, tanggap na sa mundo yan. May mga tao lang talagang konserbatibo. May mga tao din namang hindi pa bukas ang isipan sa mga bagay sa paligid nila. Kung ano na lamang ang nakasanayan, ay inaakala nilang iyon ang normal. Kung mahal ka ng Diyos, matatanggap niya kung ano man katauhan mo. Kung berde man kulay ng dugo mo, tatanggapin niya yan.
Pero, mantakin kayo! Minsan nga, bilib ako sa mga bading. Kasi magagaling silang dumiskarte sa buhay. Magagaling sila sa klase. Lalo na sa recitation. Magagaling din silang magformulate ng ideas. Mga creative sila. Magagaling sa negosyo. Tulad na lamang nina Sir Elton John, George Michael, Allan K at boy Abunda. Ilan lang yan sa mga tanyag na kabilang sa federasyon. Tinitingala sa lipunan sa kabila ng katauhan nila.
Ang matindi pa sa mga bading ay ang gagaling nilang mag-imbento ng mga salita. Ang tawag nga dito sa kasalukuyan e Gaylingo… o linggwahe ng mga Gay o bading. Ito ang ilan sa mga nakalap ko:
-Jumujulanis morisette
- Plang!
- Chaka
- Chenelin
-mudra, muher, monsor
Marami ka pa bang alam? ….. andami nilang naimbento nuh? Darating ang araw, magkakaroon sila ng sariling diksiyonaryo. O di ba, Bongga!
Magmasid ka sa paligid mo. Yang mga dumadaan sa harap mo, yong nakaupo sa bandang dulo. Yon nga! Yang nagmamadaling maglakad. Sa palagay mo, anong tipong bakla ang mga nakikita mo. O baka naman iyang katabi mo dyan ay di pa makalantad. Pakitanong nalang ng mga katagang ito:
“Pssst… Bakla Ka ba?” i ba aw, magkakaroon sila ng sariling diksiyonaryo. o imbento ng mga salita. ang g na kabilang sa federasyon. i man lang damit
Sasampalin ka bigla sabay sabing “ Gaga! Hindi Nuh! Swear to the Nth power”.
CHAPTER 2
Bilbil! Nakikita mo ba yan? Pisilin mo nga. Ang cute tingnan nuh? Anlambot! Naisip mo bigla, at kinausap mo siya. “Bakit kaya tinatanggal ka ng ibang tao? Cute ka namang tingnan?”. Bakit hindi ka ata tanggap ng lipunan. Kapag lumabas ka o nakita ka, pinagkakamalan akong sobrang matakaw kumain”. Nakakalito talaga mundo!
Baboy! Tabachoy! Tabachingching! Anak ng Lindol! Yan tawag sakin ng mga kababata ko noong mga bata pa kami. Habang naglalaro kami ng piko at Chinese garter, pagnagkakapikunan na, babanatan ako ng mga kalaro ko ng mga katagang yon. E siga siga ako noon. Haharap ako sa kanila ng buong tindig. Para bang nagpo-pose para ipakita muscles sa katawan (hindi nga lang muscles kundi taba). Babanatan ko rin sila, “Palibhasa madami kaming masasarap at heathy food sa bahay kaya Inggit lang kayo”. Sabay ilalagay ang mga kamay sa ulo at kakaway. “Bleh! Bleh! Bleh!.
Noong grade five na ako. Pinaka malaki na talaga ako sa aming klase. Malaki pa ako sa mga klasmeyt kong lalaki. Sabi sa akin ng mga teacher ko, “Tin, ang healthy mo talaga”. May isa nga akong teacher na buntis at natutuwa siya sa akin. Pinaglihian ata ako nun. Sumasakit na mukha ko kapipisil habang sinasabi nilang “Ang Cute cute mo!”. Teacher din Mama ko, kaya pagbinabati ako ng mga co-teacher niya, proud na proud naman si Mama. Biruin mo ba naman na sa hirap ng panahon ngayon, napalaki niya akong healthy at ganoon kalaki.
Nang mag high school na ako, unti unti kong napansin sa paligid ko na wala nang nagsasabing cute ang pagkatabaching ching ko. Parang self proclaimed cute nalang ako noong araw na yon.
Padating sa bilihan ng mga damit, halungkat ka ng halungkat sa mga paninda. Tumatagaktak na pawis mo, tila wala pa ring kumakasya sayo. Halos pilitin mo na, sa braso palang, di na makapasok. . Biglang may nakita kang tipo mong damit. Pagtingin mo sa size,S (small) lang. Kinamot mo ulo mo bigla, tinawag ang sales clerk. “Miss, my XL kayo nito?. Tugon naman niya, “free size lang po kami eh”. Muntik ka ng maiyak sa panghihinayang.
Pagkalipas ng ilang oras mong pamimili nang damit ay wala ring kuwenta dahil wala ka ring nabili. Mapipilitan ka ngayong pumunta sa department stores at doon nalang bumili ng ano mang damit doon. Kahit hindi mo naman masyadong tipo. Sa department stores kasi, may PLUS SIZE!
Sa mga jeep na sinasakyan mo, hindi ka mahintuan ng driver sapagkat, ang mauukupa mong upuan ay doble. S’ya nga naman, malulugi talaga siya, P 7.50 din yon.
Maghihintay ka ngayon doon sa may mga pilahan. Sure na sure, makakasakay ka doon. Pag-upo mo, tinutuktok ng barker ang likod mo para umusod. “Siyaman po yan. Usod usod lang po nang makaalis na tayo”. Ngayon, dahil walo lang ang kakasya sa side nang inuupuan mo, ang barker naman ang magsasalita sa driver. “Pare, malaki ang nasa loob eh! Di na kayang ipilit”. Titingnan ka pa ng masama nang driver. Para bang nandidilim ang kanyang paningin. Tila ba pinatay mo ang pamilya niya at ang kanyang kinabukasan. Mahihiya ka bigla dahil pinagtitinginan ka ng taong na animoy ikaw pa ang dahilan nang pagkaabala sa pag-alis ng dyip. Titingin ka nalang sa labas na para bang manhid ka at wala kang alam sa mga nangyari. Pasipol sipol ka pa!
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit karamihan ng mga babae ngayon ay pinapatay ang sarili nila sa pagpapapayat. Tuwang tuwa ang mga nag-nenegosyo ng gym kasi parating puno business nila. Nong isang araw nga, habang nalalakad ako sa kahabaan ng Ortigas Road may nadaanan akong gym, 50 pesos lang per session. Aba! Mura na ha? Buti pa ang mga gym, bumababa ang mga presyo, samantalang mga bilihin, mabubutas bulsa mo kung mamimili ka. Tsk… Tsk… Tsk…
Kung pagmamasdan mo yong mga tao sa loob, gatimba ang mga pawis sa katawan. Pagal na pagal. Hirap na hirap. Naiisip ko lang, mga masokista ba itong mga taong ito at tuwang tuwang pinahihirapan ang kanilang sarili?
Kung ganito ang paraan upang matanggap ka ng lipunan e di bale nalang.